Doggieland Pet Hotel in Pasig City

3 years ago
7

July 2012: Wala akong ipon, call center hopper at parang walang plano sa buhay. So may pinabenta sa akin na digicam ang kapatid kong si Pam na worth p2,500. Kapag naibenta ko daw, akin na yung p500. Agad akong gumawa ng ads sa Sulit.com (naging OLX Phillipines at ngayon ay Carousell). To make the story short, may nakipag-trade sa akin para sa digicam. Chihuahua/Mini Pinscher male puppy daw kapalit ng digicam. Nung una, nagdadalawang-isip pa ako kasi parang mas type ko yung p500 kesa sa isang tuta. Pero pumayag na rin ako. So yun na nga si Viber.

Naranasan ni Viber and hindi gaanong marangyang buhay kasama ko. Pero masasabi ko naman na naibigay ko sa kanya ang komportableng pamumuhay kahit papaano. Ngayon na nakakaluwag na ng kaunti sa buhay, hindi na kami nagdadalawang-isip na ibigay kay Viber ang mga bagay na deserve niya. Halos taon-taon din naman siyang sumasali sa mga Pet Costume Contests at madalas naman siyang manalo. Marami na siyang naibigay sa amin, sa totoo lang.

Sinasama namin siya kahit saan kami magpunta. Nakarating na siya sa Baguio, Calaguas Island, Quezon Province, etc. Hindi lang siya nakakasama kapag kailangan sumakay sa eroplano. For example, sa Boracay. Ayaw ko rin siyang iwanan mag-isa sa bahay or ipagkatiwala basta-basta. Baka makatakas siya at mawala or maaksidente. Baka mapulot siya ng ibang tao at ibenta.

Kaya mas gugustuhin na namin na gumastos sa pet hotel kung saan mas safe at komportable si Viber habang wala kami. Mabuti nalang at may Doggieland Pet Hotel sa Santolan sa Pasig. Mas malapit siyang dalahin at sunduin. Sa tingin ko naman, masaya si Viber na may mga kapwa pets siya na kasama doon habang wala kami. Kahit papaano, hindi siya masyadong nalulungkot.

_____________________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature something else, mag-ambag naman kayo. Charot! You can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #PetHotel #DoggielandPetHotel

Loading comments...