WALA Talagang TRAFFIC Ngayon Sa Buong METRO MANILA

4 years ago
7

Hindi naman sa nami-miss ko ang traffic pero kung mawawala rin naman ang traffic dahil may lagim, dun nalang ako sa may traffic ng konti, basta walang lagim. Ayaw naman natin ulit nung mga eksenang nakatulog ka tapos pag-gising mo, andun ka pa rin sa sobrang traffic.

So nakarating ako sa Q.C. dahil may binili akong UV sanitizing lamp. For pick-up na nga, ako pa yung naghintay ng more than 1 hour. Grabe! Mas matagal pa yung hinintay ko kesa sa biyahe from Pasig to Q.C. Hindi ko alam kung anong trip nung seller. Hindi nagrereply sa mga text, messenger at sa Carousell app. Ang gusto, tatawagan pa siya twice. Pabebe ang leche.

So nung finally dumating na, nagulat ako dahil maid at driver ang dumating. Akala ko naman, kaya inabot ng more than 1 hour sa pagbaba sa condo niya eh nag-gown pa siya. Yun pala ini-utos niya lang sa maid niya. At hindi man lang nag-sorry. Nakakapika talaga!

Lesson number 1 sa mga Pasosyal: MANNERS, teh!

Kung sosyal ka man talaga sa totoong buhay, hindi halata. Naka-condo ka lang na mataas at may magandang SUV pero sadly, hindi nagma-match sa breeding mo.

Anywaaay....

Salamat pala kay Kuya Grab Food dahil wala pang 15 minutes eh dumating na sa may gate ng Montgomery Place sa Quezon City. Sobrang nalipasan na ako ng gutom sa kakahintay sa lecheng seller na yan so nagpadeliver nako habang naka-park sa harap ng gate ng Montgomery Place. Naka-anim na Buko Pie nako ng Jollibee, waley pa rin!

Sa Pasig naman, adik din yung kausap ko na seller ng garter. Sinabi ko na nga na malapit na ako, lumayas pa rin at walang pinagbilinan sa mga kasama sa bahay. Aayusin ko kasi yung mga face mask na nabili ko dahil masikip ang garter. Ang laki pa naman ng mukha ko so bumabakat sa ilong at bibig ko pag-tanggal nung mask sa sobrang sikip. Tapos ang hirap pang humanap ng seller ng black garter online. May ads nga pero pag nag-inquire ka, wala daw. Leche diba? Nung may nahanap naman ako, echoserang palaka din. Hay ewan! Ano bang meron sa year 2020. Parang puro kalechehan so far ang mga eksena. Please lang, matapos ka na. 2021 nalang agad, pwede ba? And by the way, NO TO PABEBE AND PAASA SELLERS!! Kayo ang mga tunay na virus.
____________________________________________________________

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: pasosyal101@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #WorkFromHome #StayAtHome #WalangTraffic #EmptyEdsa

Loading comments...