Gerald Anderson hindi seryoso kay Julia Barretto?? | Paano manligaw sa babae ng maayos sa Pilipinas

10 months ago
323

AMINADO ang aktor at komedyanteng si Dennis Padilla na may tampo ito kay Gerald Anderson, boyfriend ng kanyang anak na si Julia Barretto.

Sa kanyang panayam kay Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube channel ng huli, ay natanong siya ng talent manager kung ano ang kanyang ine-expect sakaling mag-propose na ang Kapamilya actor sa kanyang anak.

“Kausapin n’ya ako. Dapat kausapin ako ni Gerald Anderson. Kailangan ‘yon,” sagot ni Dennis.

Matapos nito ay binalikan niya ang mga pagkakataon na sana’y nagkausap na silang dalawa kung nag-reach out lang sana si Gerald.

Kuwento ni Dennis, “There was a time, si Andrew E., I think, nagkita sila sa event ni Gerald. Ang sabi ni Andrew E., ‘Gerald, kausapin mo naman si tito Dennis mo, gusto ka lang namang makausap nu’n.’ Ang sabi ni Gerald, ‘yes, tito Andrew.’ Pero hindi naganap.”

Meron pa raw pagkakataon last year na nagkita si Gerald at ang kapatid nitong si Gene Padilla sa basketball event sa General Santos at sinabihan raw nito ang binata na nasa hotel lang ang ama ng kanyang nobya at kung may oras ito ay pupwede niyang puntahan at kausapin ngunit hindi raw ito nagyari.

“So, kung gusto talaga ako ni Gerald na kausapin, dapat kinausap na niya ‘ko. Eh hanggang ngayon, hindi niya ako kinakausap, eh,” lahad ni Dennis.

Aniya, hindi raw niya sigurado kung totoo ang kanyang nararamdaman pero ‘yun raw kasi ang pakiramdam niya sa aktor.

“Siguro mas mahalaga sa kanya na good shot kay Marjorie, Pero sa’kin kahit bad shot siya okay lang. ‘Yun ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung totoo ‘tong nararamdaman ko pero ito ang nararamdaman ko. Parang okay na ako, good shot na ako kay Marjorie Barreto ‘di bale nang bad shot ako kay Dennis Padilla.” dagdag pa niya.

Kung siya nga raw ang nasa posisyon ni Gerald ay siya mismo ang magri-reach out sa ama ng kanyang dyowa kahit magkagalit ito.

Chika ni Dennis, “Ako lalake ako. Kung ako may syota at may girlfriend ako, at itong girlfriend ko kaaway yung tatay niya kahit ayaw ng girlfriend ko, kakausapin ko ‘yung tatay niya.

Baka nga plus point pa nga yun sa girlfriend ko. Bakit mo kinausap tatay ko e kagalit ko ‘yun. Hiindi, bilang respeto sa tatay mo kaya ko ginawa ‘yun. Baka lalong mapabilib girlfriend mo ‘pag ginawa mo ‘yun.”

Nais lang naman niya itong kausapin ukol sa anak pero kung ayaw nito ay ayaw niya na rin.

“Papaalala ko lang sa’yo na ‘yang girlfriend mo, anak ko yan. Hindi lang si Marjorie gumawa diyan,” sabi pa ni Dennis.

Kung saka-sakali man raw na ikasal ang dalawa at hindi siya imbitahan ng mga ito ay pupunta pa rin siya kahit hindi siya ang maghatid sa anak patungong altar.

“Pag hindi nila ako in-invite, pupunta [pa rin] ako. Pero hindi ako pupunta du’n para manggulo. Pupunta ako doon para mapanood ko ‘yung anak ko kahit hindi ako maghatid. Masakit myun pero gusto kong makitang ikasal ‘yung anak ko. Anak ko ‘yun e,” sambit ni Dennis.

SOURCE: https://bandera.inquirer.net/357701/dennis-padilla-nagbabala-kay-gerald-anderson-papaalala-ko-lang-sayo-na-yang-girlfriend-mo-anak-ko-yan?fbclid=IwAR1Lfa__w9QlCgLPltDc8jzsarDkcCwmeeic3S7OOQVNzCU1prZP902NvBQ

Backup Channel:
RUMBLE: https://rumble.com/c/c-1847041
ODYSEE: https://odysee.com/@manhoodtycoon:a

FREE GOOGLE MEET CONSULTATION. Men & women. For your Dating, Redpill, Marriage, & Financial assistance. Message me at Facebook.com/manhoodtycoon or email via creativeuncreatives@gmail.com for your available schedule.

[DATING REDPILL CRASH COURSE]
This is a compilation of 37 Red Pill Secrets & TOPICS about women, dating, relationships & money FROM MANHOOD TYCOON YOUTUBE CHANNEL
FROM ZERO TO HERO!

A Beautiful Woman is The MOST INSECURE Woman On The Planet. Yet Most Men Are INTIMIDATED by her.

This course is for men who wanted to increase their Social Market Value. Being a TOP-SHELF GUY has never been this easy!

GUMROAD :

https://onlinethirdmate.gumroad.com/l/DATINGREDPILLCCourse

or

ALTERNATIVE PURCHASING METHOD (Via GCASH)

GCASH: 0920-659-3051

STEP 1: Email me via onlinethirdmate@gmail.com
STEP 2: Type in "DATING REDPILL" on the Subject Line.
STEP 3: Pay via GCASH(7/ELEVEN KIOSK/BANK) (₱127 / $3)
STEP 4: Send a screenshot of your payment via GCASH on my email.
STEP 5: Once payment is received, I will send the LINK to you.

SEE YOU AT THE TOP!
-Phil Rendado

=========================
11 BASIC THINGS YOU NEED TO KNOW ABOUT SA MGA BABAE
PDF: https://bit.ly/3gMhO03

#roadto100thousandsubs
#juliabarretto
#geraldanderson

Loading comments...