PBBM 'di malayong sumunod sa yapak ng kanyang ama kung ipipilit ang Charter Change ayon kay FPRRD

Streamed on:
44

Mga maiinit na mga Balitang nakalap ng SMNI Integrated News and Public Affairs ihahatid nina Kapartner Kyle Selva at Angel Pastor dito sa SMNI NewsBlast

Sa ulo ng mga balita:

Pangulong Bongbong Marcos, 'di malayong sumunod sa yapak ng kanyang ama kung ipipilit ang Charter Change ayon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Planong term extension ng administrasyon sa pagsusulong ng Cha-Cha, muling binatikos

Pahayag ni Pangulong Marcos na para daw siya sa press freedom, binatikos ng mga nakatikim ng panggigipit sa kaniyang administrasyon.

Armed Forces of the Philippines, ipinauubaya na sa Department of Justice ang proseso sa pagbibigay ng karampatang parusa laban kay Cong. Bebot Alvarez matapos nitong ipanawagang bawiin ng militar ang suporta nito kay Marcos Jr.

Ilang tricycle at E-trike na dumaan sa mga national road sa Maynila ngayong araw, tiniketan at inimpound na. pero ang ilang nahuli, hindi raw alam na bawal na sila ditong dumaan

LTFRB, aminadong nagtagumpay ang mga tsuper na lumahok sa tigil-pasada. Pero ang tagumpay na tinutukoy ng ahensiya ay yung abalang idinulot nito sa daloy ng trapiko. Dahil dito, show-cause-order, inihahanda na para sa mga nagprotestang drayber!

Reserbang kuryente sa Luzon Grid, numipis matapos pumalya ang ilang power plants. Kaya naman red at yellow alert, nananatiling nakataas sa Luzon at Visayas Grid.

Loading comments...