Depend on the Holy Spirit | FEB 1, 2021 | MarlonB.

3 years ago
53

"DEPEND ON THE HOLY SPIRIT."
(John 14:26 , 1 John 2:27 , Romans 8:14)

-Salamat sa Diyos sapagkat patuloy tayong tinuturuan ng Diyos kung papaano maging "Asá" sa guidance ng Holy Spirit. Iminumulat tayo ng Diyos na idepende o dumepende sa Banal na Espiritu.

-Pr. Pau: "Napaka-blessed po ntin dahil tinuturuan tayo na magtanong sa Holy Spirit... At sa pagsunod ntin, dito tayo maiingatan.

-Itinuturo po sa atin ng ating mga Pastor na dapat tayo ay nakadepende sa Holy Spirit. Yung guidance ng Holy Spirit ang magdadala sa atin sa Kalooban ng Diyos.
(Ex: 3 wisemen, Psa. 18:28)

-Ako po ay nagbabsa na sa Book of Judge at iisa lng ang napapansin ko sa mga Hukom na hinirang ng Diyos at nagtatagumpay. Silang lahat ay "Ginabayan" ng Espiritu ng Panginoon.
(Ex: Gideon, Judge 6:34)

-Nagpapatunay lng po na ang pagdepende po ntin sa Guidance ng Holy Spirit ay magdadala sa atin sa katagumpay sa lahat ng bagay.

-Minsan naiisip ntin na "Hindi na ata ako tutulungan ng Diyos" o "imposible na atang maayos ito." Maling kaisipan ito. Ito nga nag gusto ng Diyos, ang tulungan tayo sa mga sitwasyon na hindi na natin alam ang gagawin ntin. Yung magulong sitwasyon at aayusin ng Diyos. Yung imposibleng sitwasyon, magiging posible.

(John 14:26)
-Pr. Boy: "Ang Holy Spirit ang magpapaalala sa atin. Kaya dapat alam natin ang Salita ng Diyos. Paano kapag hindi ntin alam ang Word of God. Magkakaproblema tayo niyan. Talong-talo ang isang Kristiyano na walang kaalam-alam sa Salita ng Diyos.

-Kaya dapat lng na mag-aral tayo ng Salita ng Diyos upang may maipalala sa atin ang Diyos.

(1 John 2:27)
-Pr. Boy: "Makakaasa tayo na gagabayan tayo ng Holy Spirit dahil ito ang Mission ng Holy Spirit sa atin. Ito ang trabaho Niya.

-Hindi lng tayo sa ministry pwedeng iguide ng Diyos, sa lahat ng buhay ntin ay pwede. Dumepende ka lang sa leading ng Holy Spirit.

(Kwento: Nagising ako ng madaling araw...)

-Makakaranas tayo ng maraming himala sa buhay ntin kung patuloy tayong dumedepende sa guidance ng Diyos. Kailangan mo lng sumunod.

Nagkakaproblema lng tayo dahil:
1. Hindi mo napakinggan ung sinabi ng Diyos.
2. Napakinggan mo pero nagbingi-bingihan ka, in short.. Hindi mo ginawa.
3. Napakinggan mo pero iba ang ginawa mo.

-Kaya huwag tayong lalayo sa Anointing. Si Samson na isang Judge, nandun ang tagumpay niya noong siya ay nakadepende pa sa Diyos. Pero nung nagsimulang siyang mapalayo sa Anointing, ginawa na niya ung sarili niyang gusto, nagsimula siyang magkaproblema at sa nkakalungkot na pangyayari, bumagsak siya.
(Judge 16:20 - hindi na niya batid na wala na ang Panginoon sa kanya)

(Kwento: Isang kabataan na nagpaalam sakin na magboarding house malapit sa school.. Tumuloy pero bumalik din siya)

(Kwento: Isang Elder na nagpapaalam na pupunta ng ibang bansa, may panaginip pa siya.. Tumuloy pero bumalik din siya)

-May mga panahong nasasayang sa panahon na tumataliwas tayo sa guidance ng Diyos. Kaya kailangan tlga na magtanong tayo sa Diyos.

"Idepende mo ang iyong decision sa decision ng Diyos."
(Zech. 4:6) Dahil mahirap magkamali.

-Yung laki ng ministry at galing ng isnag Kristiyano ay nakadepende sa mabilis niyang pagsunod sa pinagagawa ng Diyos.

-Pastor Benny Hinn, Rev. Kenneth Hagin, at iba pa. Kaya sobramg successful ng ministry nila ay dahil nadisiplina nila ung sarili nila na dumedepende sa Holy Spirit. Trained sila sa bagay na iyun.

-Dapat tayong mga Rhemanians din ay ma-train ntin ung sarili natin na dumepende sa Diyos. Sa mga pinagagawa niya satin khit sa mga simpleng bago ay matuto tayong sumunod sa Diyos.

(Kwento: Lalaking may tatoo na nasoulwin)
(Kwento: Kasama kong worker na bumili ng tubig)

-Huwag sana tayong umabot sa "regret" ung pagsisi na sana pla ginawa ko na, sana pla nakinig na ko sa Diyos noon pa lang. Kaya mga kapatid patuloy po tayong dumepende sa Diyos.

Loading comments...