Mahigit 1,000 indibidwal, inilikas dahil sa pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon −NDRRMC
Nasa mahigit isang libong katao na mula sa lalawigan ng Negros Oriental at Negros Occidental ang apektado ng pag-aalburoto ng bulkang kanlaon. kaugnay nito, tumulong na rin ang Philippine Air Force sa nasabing insidente. | via Almar Forsuelo
44
views
Suplay ng kuryente sa Luzon grid, sapat sa kabila ng yellow alert status −DOE
Kasunod ng pagsasailalim sa yellow alert ng Luzon grid nitong mga nagdaang araw, sinabi ng Department of Energy na sapat ang suplay ng kuryente. Ang biglaan namang pagpalya ng mga planta ng kuryente ang dahilan sa pagnipis ng reserbang kuryente sa grid ayon sa kagawaran. | via Vhal Divinagracia
18
views
1
comment
Pagbaba sa taripa ng imported rice, pahirap sa mga magsasakang Pinoy −ROQUE
Dagdag pahirap umano para sa mga magsasakang Pilipino ang hakbang ng pamahalaan na ibaba ang ipinapataw na taripa sa imported na bigas. Ayon sa dating opisyal sa palasyo, mas mainam na tulungan ang mga magsasaka na palakasin ang kanilang produksyon upang maibaba ang presyo ng bigas sa merkado. | via Carla Abellana
13
views
Patagong pagsakop ng US sa Ukraine, ibinabalang mangyari rin sa Pilipinas sa isyu ng WPS
May panawagan ngayon ang isang political commentator sa publiko kaugnay ng sigalot sa West Philippine Sea. | via MJ Mondejar
44
views
Sen. Padilla, handang tanggapin ang pagiging presidente ng PDP-Laban
Habang patuloy pang tinatalakay sa kanilang partido ay inamin na ni Senador Robin Padilla na nakahanda siyang tanggapin ang pagiging presidente ng Partido Demokratiko Pilipino o PDP. | via Troy Gomez
20
views
Netizen, pumalag sa Musikalayaan concert ng palasyo sa gitna ng mataas na inflation
Pumalag ang mga netizen sa pa-concert ng Malacanang ngayong buwan ng hunyo sa gitna ng mataas na inflation. Sabi nga ng Philippine Statistics Authority, mas bumilis pa ang inflation o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo nitong mayo. | via Jayson Rubrico
44
views
Mahigit 1,400 indibidwal, nananatili pa rin sa 11 evacuation centers
Mahigit isang libo at apatnaraang mga indibidwal pa ang nananatili sa labing isang evacuation centers kasunod ng pagsabog ng bulkang kanlaon sa negros island, ayon sa DSWD. Samantala, pansamantala pa ring sarado ang tourist destination areas sa Canlaon City habang inoobserbahan ang aktibidad ng bulkan. | via Cresilyn Catarong.
25
views
CAAP, nakahanda na para sa darating na tag-ulan
Matapos ang ilang buwan na nakararanas ng El Niño ang Pilipinas, inaasahan naman ngayon ang malalakas na pag-ulan ngayong rainy season, kaya naman ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP nakahanda na upang hindi maantala o maapektuhan ang operasyon sa iba’t ibang paliparan na inooperate ng CAAP lalo na kung may bagyo. | via Cherry Light
32
views
Isang miyembro ng CTG na kumikilos sa sorsogon, kusang sumuko sa pamahalaan
Kusang sumuko sa gobyerno ang isang miyembro ng teroristang grupong npa sa Sorsogon, kasama nitong isinuko ang limang pampasabog. | via Almar Forsuelo
8
views
Philippine Navy, binatikos ang China dahil sa ginawa nitong military exercise sa Sabina Shoal
Pumalag ang Philippine Navy sa ginawang military exercise ng China sa Sabina Shoal, muling nanindigan ang Pilipinas na ang ginagawa ng China sa loob ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng bansa ay hindi naaayon sa batas. | via Almar Forsuelo
6
views
Former NSC Carlos sa tensyon sa WPS: Nobody wants to go to w a r
Dating National Security Adviser ni Bongbong Marcos, nagbigay ng pahayag sa giriian ng China at Pilipinas. | via Franco Baranda
64
views
Russian artist, ipinakita ang husay sa underwater painting
Kung sa tingin niyo'y mahirap na ang pagpipinta sa ibabaw ng lupa aba’y mayroon tayong nakalap na istorya patungkol sa isang artist na nagpakita sa kaniyang husay sa magpinta sa ilalim ng tubig. | via Uela Abunda.
40
views
Polisiya ng pamahalaan sa sektor ng mangingisda, hindi sapat
Ang Pilipinas ay isang bansang napapalibutan ng yamang tubig. Kaya naman, ang sektor ng pangingisda ang isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng bawat Pilipino. Ngunit ang suporta at mga polisiya ng pamahalaan para sa mangingisda ay hindi umano sapat. | via Sarah Santos
55
views
Senado, may 48 na bagong AFP reservists
Isa na namang batch ng mga empleyado ng Senado ang ganap na ngayong AFP reservist. Ito ay matapos ang matagumpay nilang pagpasa sa basic citizen military course na isinusulong ni Senador Robin Padilla. | via Troy Gomez
42
views
Mahigit 700 indibidwal, inilikas dahil sa pag-alburoto ng bulkang Kanlaon
Nasa mahigit pitongdaang indibidwal mula sa lalawigan ng Negros Oriental at Negros Occidental ang apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon. Ang nasabing bilang ay pansamantala nang inilikas sa kani-kanilang mga tahanan. | via Almar Forsuelo
20
views
Bagong 10K teaching allowance, malaking bagay para sa mga guro sa Manila High School
Para sa mga guro sa Manila High School, malaking bagay ang 10,000 na bagong teaching allowance ng mga guro. Maari raw kasing hindi magaabono ang mga guro para sa pagbili at paggamit ng iba't ibang teaching materials. Pero ang pinangangambahan nila ay ang inflation na baka ang 10K hindi rin pala ganun kalaki para sa mga kakailanganin nilang materyales sa classroom. | via Margot Gonzales
29
views
Mga bagong opisyal ng CCCI, pormal nang nanumpa
Pormal nang nanumpa ang bagong officers, trustees at members ng Cebu Chamber of Commerce and Industry. Inilatag naman ng bagong presidente ang agenda nito para ngayong taon. | via Aileen Navarro
26
views
Libu-libong pasahero, apektado ang flights dahil sa pag-aalburuto ng Mt. Kanlaon −CAAP
Marami sa mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport ang apektado matapos makansela ang kanilang flights dahil sa pagputok ng bulkang Kanlaon. Sa kabila naman ng pagka-stranded, mas pinili ng mga pasahero ang manatili sa paliparan at umaasa na makakasakay pa rin pabalik sa kani-kanilang mga probinsya. | via Cherry Light
23
views
Phivolcs, nakapagtala ng 43 volcanic earthquakes sa bulkang Kanlaon
Nakapagtala ang Phivolcs ng 43 volcanic earthquakes sa bulkang Kanlaon. Samantala, nagbabala naman ang DOH hinggil sa masamang epekto sa kalusugan kapag nakalanghap ng asupre.
Ang kanlaon city, ayon sa NDRRMC, ay inilagay na sa state of calamity kasunod ng pagsabog ng Kanlaon volcano. | via Cresilyn Catarong
26
views
Chinese coast guard, inagaw ang suplay ng mga sundalo sa BRP Sierra Madre
Inagaw ng mga Chinese coast guard ang suplay na pagkain na para sana sa mga Pilipinong sundalo na nadestino sa BRP Sierra Madre habang pinabulaanan naman ng AFP ang kumakalat na video na panunutok ng b a r i l ng mga sundalong Pilipino sa mga Chinese. | via Almar Forsuelo
18
views
Presyo ng luya at bawang, umaabot na sa P400/kg
Mas mahal pa sa presyo ng karneng baboy at baka ang presyuhan ng ilang sangkap ngayon sa palengke sa Metro Manila. Ang presyuhan ng luya at bawang, umaabot na sa P400/kg. | via Sheena Torno
26
views
3 araw na tigil pasada ikakasa ng manibela, kontra sa ginagawang panghuhuli ng MMDA
3 araw na tigil pasada ikakasa ng manibela, kontra sa ginagawang panghuhuli ng MMDA
27
views
Pilipinas, tiniyak na handang tumanggap ng mga refugees
Handa nang tumanggap ng refugees ang Pilipinas batay sa pinirmahan nitong kasunduan sa United Nations. May sagot naman ang Department of Justice sa posibleng pagtanggap ng mga refugee mula sa bansang Ukraine kasunod ng pagbisita sa bansa ng kanilang pangulo na si Volodymyr Zelenskyy. | via Margot Gonzales
25
views
Grupo ng mga magsasaka, dismayado sa pagtapyas ng taripa sa imported na bigas
Grupo ng mga magsasaka, dismayado sa pagtapyas ng taripa sa imported na bigas
21
views
Imelda Papin, itinalagang opisyal ng PCSO
Itinalaga bilang pinakabagong opisyal ng PCSO ang isa sa kinikilalang Jukebox Queens na si Imelda Papin. At isa aniya sa kaniyang isusulong na programa ay ang "Isang Linggong Serbisyo." | via Jayson Rubrico
22
views